Ang magkakaibigan. Bow.
Minsan may makikita kang grupo ng tao na madalas magkasama. Ang magkakaibigan nga naman. Kahit saan pumunta ang isa, susunod din ang iba. Siyempre, magandang mayroon kang kaibigan para may kasama kang kumain kapag lunch, may kokopyahan ka ng notes at assignment, at may mahihiraman ka ng old exams, old reports at marami pang iba. Marami kang mahihingan ng tulong at maraming tutulong sa iyo.
Paano kaya kung wala na siyang pakinabang sa iyo? Kaibigan ka pa din ba niya? Naalala ko noong kabataan ko, may isang contest. Team kasi kayo, at bahagi ka ng isang grupo. Sa ayaw man nila at sa gusto, kailangan ka nilang kaibiganin. Dahil kailangan ka nila (ayaw man nilang aminin sa harap mo), dahil walang mag-major sa organic chem, at dahil cute ka talaga at walang maganda sa grupo.
Bigla ko ngang tinanong sa dalawa kong kasama dati habang naglalakad, “Ganyan pa din ba ang pagtrato niyo sa akin pagkatapos ng Sunday (contest day)?” ‘Yung isa sumagot, nainis nga e, hindi ako kinausap ng apat na araw. ‘Yung isa, okay lang daw, naintindihan niya kung bakit ko tinanong ‘yun at deadma lang. Hulaan niyo kung sino sa kanila ang nananatiling kaibigan ko. ‘Yung nainsulto o ‘yung naintindihan tanong ko? Kung ikaw ang tatanungin ng ganun, ano ang mararamdaman mo?
a. maiinsulto (at baka masapak mo ang taong nagtanong nun kahit kasing cute ko)
b. maiintindihan mo kung bakit tinanong ‘yun sabay kibit-balikat.
At kung (b) ang sagot mo, bakit mo kaya naintindihan?
Ang natutunan ko sa karanasang iyon, ang tunay na kaibigan ‘yung kasama mo pa din kahit wala na siyang pakinabang sa iyo (dahil siguro talagang cute ka at may potential mag-Starstruck). Kasi naman, sa lahat ng relationship ng tao, ang pinakailalim nun (okay, bottom line) ay may gamitan din (guilty nga ako niyan sa maraming aspeto. GUILTY! Pero inaamin ko naman). Maliban na lang sa mga magulang. Wala naman siguro silang mahihita sa mga anak nila. Pabigat pa nga kadalasan e.
Kung tatanungin mo ang mga magulang, “Kung may pagkakataon kang ibalik ang nakaraan, gusto mo pa din bang magkaanak?” Marahil, ang sasabihin nila, “Hindi noh! Ano ako, hilo? Masaya lang sa umpisa pero kapag lumabas na, dusa.” Maliban na lang siguro kong mala-anghel ang anak mo (gaya ni yours truly). Napapalayo na ako sa usapan.
Uy, friend, pahiram naman notes mo. Uy, alam mo ba, friend, sa ganito-ganito ganyan-ganyan ay may ganito-ganito. Nakakakilabot. Tumataas ang balahibo ko kapag naririnig ko ang salitang “friend”.
Kulang na lang isigaw mo sa mukha niya, “Excuse me! Hindi kita friend and will never be my friend kaya huwag mo akong tawaging friend, FRIEND!” Pero dahil nanaig ang iyong self-control at dahil tunay kang friendly, hinayaan mo na lang ang mga nag-feeling friend mo at hindi mo na lang siya pinatulan. Mahirap bumaba sa level niya.
Buti na lang sa Friendster, kapag hindi mo na friend, pindutin mo lang ang maliit na kahon na may ekis para maglaho na siya sa records mo. Maganda din siguro kung ganun ang memory ng isang tao. Pindutin mo lang ang “delete”, at POOF! wala nang mga "FRIENDS". BWAHAHAHA.
Showing posts with label friendship. Show all posts
Showing posts with label friendship. Show all posts
Friday, June 22, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)