Si Mama ang pinakamalaking impluwensiya sa buhay ko nung bata-bata pa ako. Nag-aaral pa lang siya ng MS noon, nung pinanganak ako kaya nakikita ko lang siya kapag umuuwi ng bahay mula sa trabaho at pag-aaral. Si Lola nag-aalaga sa amin kapag wala si Mama sa bahay. Pero ang gustung-gusto kong araw ay Linggo kasi magkasama kami ni Mama na nagsisimba. Karga-karga ako lagi ni Mama. Pinapakyaw namin ‘yung balloons dun sa may simbahan. Wala si Tatay dun sa picture kasi nagtatrabaho nga sa ibang bansa. Noong bata pa lang ako, ang pumasok na sa isip ko ay simbahan = balloons. Kaya gusto ko laging nagsisimba.
Nakakatakot si Mama kapag namalo. Oo, nagiging halimaw siya. Sobra. Tanda ko noon nanuod lang ako ng basketball sa may amin, kinakutsaba ko katulong namin. Pinagplanuhan ‘yun nang mabuti dahil nagdala pa ako ng sariling upuan. E hindi naman ako nagpaalam. Inabot kami ng alas-diyes ng gabi sa pag-uwi. Tantananan! Ayun si Mama sa may pinto, nakahanda ang hanger na pamalo (kulay pula pa kamo).
AAAAAAAAAAAA!!! MAMAAAA!!! TAMA NA POOOOO!!!! HUHUHUUUUUUUUUU!!!!!!!!!!!!! MAGPAPAALAM NA POOOOOOO!!!!!! HINDI NA PO MAUULEEEEET!!!!! MAMAAAAAA!!!!!!!!! HUHUHUHUUUUUUU!!!! AAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!
Kaawaan ang anghel na pinapalo. Abot hanggang tulay ngawa ko. Kawawa din ‘yung katulong namin, napagalitan dahil sa akin.
Hindi nagtagal umalis si Mama para mag-aral. Mag-6 years old na siguro ako nun. Kaya si Lola ang nag-alaga sa amin.
Si Mama ‘yung disciplinarian noong bata ako. Nung wala siya, pumalit si Lola. Nung wala na si Lola, pumalit si Tatay. Nung bumalik na si Mama mula pag-aaral, umalis naman ako ng bahay para mag-aral.
Magka-complement sina Tatay at Mama. Kapag hihingi ka ng advice tungkol sa pasikot-sikot (paperwork) sa University, acads, correspondence with the authorities, tanungin mo si Mama. Kasi cool siya at hindi ipapakitang naiinis kahit naiinis na siya sa kausap niya. Si Tatay parang maninigaw lagi ng tao e. Pero kapag hihingi ka naman ng advice tungkol sa pasikot-sikot sa utak ng mga lalake at ng ibang tao, tanungin mo si Tatay. Hehe. Sapul ‘yan.
Showing posts with label Tagalog posts. Show all posts

Monday, June 25, 2007
early days
Natuto lang akong magsulat noong 4 years old ako. At ang letter ‘E’ ko pa ay parang suklay na maraming ngipin. Kung hindi pa pupunahin nung pinsan ko, hindi ko malalamang tatlo lang pala dapat ngipin ng letter ‘E’ as in ‘E’.
Hindi man magaling sa pag-aaral, tanungin niyo ako ng pasikot-sikot sa baranggay namin, hanggang ang daan papuntang Laguna Lake, masasagot kita. Expert ako diyan. Ipa-recite mo din sa akin lahat ng mura sa kalye, alam ko din ‘yan. Mas nauna ko pang nasaulo ang mga murang ‘yun kaysa ma-spell ko ang salitang ‘FISH.’ Apat na taon din ako nun, malutong na ang aking dila.
Kinder ako (pangalawang kinder, kasi may kinder 1 at kinder 2) nung malaman ko na ang ‘FISH’ pala ay ‘F’, ‘I’, ‘S’, ‘H’. Nainggit lang ako sa mga kaklase ko noon na nagpayabangan sa splengin kaya lang ako nagtanong kung paano mag-spell. At apat na letrang salita pa kamo. Okay sana kung ‘FLOWER’ ‘yun, mahaba-haba pa. Ano namang maipagmamalaki ko sa ‘FISH’?
Tanda ko noon, mag-Grade 1 na ako, hindi ko pa rin alam ang pinagkaiba ng vowels sa consonants. Nagbayad sina Mama at Tatay ng tutor noon kasi pareho silang wala sa bansa at lola ko lang ang nag-aalaga sa aming magpipinsan. ‘Yung tutor ko ay isang elementary teacher sa public school. Pumunta ako isang araw sa bahay niya (malapit lang ‘yun sa amin. Maghahagis ka nga lang ng bato, andun ka na) at pinasagutan niya ako ng exercise sa vowel at consonant. Tandang-tanda ko pa mga pangyayari:
May dumating siyang kapitbahay. Siyempre, nagchismisan muna sila habang ako ay nagsasagot. Narinig ko na lang na sinabi ng teacher ko sa ka-chismisan niya:
“Alam mo matalino ang batang ‘to.”
(Heto talaga tumakbo sa isip ko): “Ha? Anong sinasabi nitong matalino? Hindi ko nga masagutan ‘tong pinapasagot nito sa akin e. Basta bilog lang ako ng bilog. Hindi ko naman alam ‘yung vowel.”
At pinasa ko na kay teacher ang aking papel. Siyempre, proud na proud si teacher sa pag-check nun, kasi nga akala niya ay may utak talaga ako. Oo, bata pa lang ako, marami na akong naloloko.
Hehe. At ang score ko noon? 6 out of 20. Nakita kong napahiya teacher ko dun sa kapitbahay niya. Tumahimik na lang ‘yung kapitbahay.
Hindi ko pa rin makalimutan ‘yung reaksiyon ng teacher ko. Hehe. Masaya naman ako kasi pagkatapos noon, balik kalsada na uli ako at naglaro ng tumbang preso.
Makalipas ang isang buwan, namatay ang lola ko. Bumalik sa Pilipinas si Tatay kasi walang mag-aalaga sa amin.
Ayun. Tapos na din maliligayang araw ko sa kalsada.
Up next… Impluwensiya ni Mama sa buhay ko.

Friday, June 22, 2007
"Friend"ster
Ang magkakaibigan. Bow.
Minsan may makikita kang grupo ng tao na madalas magkasama. Ang magkakaibigan nga naman. Kahit saan pumunta ang isa, susunod din ang iba. Siyempre, magandang mayroon kang kaibigan para may kasama kang kumain kapag lunch, may kokopyahan ka ng notes at assignment, at may mahihiraman ka ng old exams, old reports at marami pang iba. Marami kang mahihingan ng tulong at maraming tutulong sa iyo.
Paano kaya kung wala na siyang pakinabang sa iyo? Kaibigan ka pa din ba niya? Naalala ko noong kabataan ko, may isang contest. Team kasi kayo, at bahagi ka ng isang grupo. Sa ayaw man nila at sa gusto, kailangan ka nilang kaibiganin. Dahil kailangan ka nila (ayaw man nilang aminin sa harap mo), dahil walang mag-major sa organic chem, at dahil cute ka talaga at walang maganda sa grupo.
Bigla ko ngang tinanong sa dalawa kong kasama dati habang naglalakad, “Ganyan pa din ba ang pagtrato niyo sa akin pagkatapos ng Sunday (contest day)?” ‘Yung isa sumagot, nainis nga e, hindi ako kinausap ng apat na araw. ‘Yung isa, okay lang daw, naintindihan niya kung bakit ko tinanong ‘yun at deadma lang. Hulaan niyo kung sino sa kanila ang nananatiling kaibigan ko. ‘Yung nainsulto o ‘yung naintindihan tanong ko? Kung ikaw ang tatanungin ng ganun, ano ang mararamdaman mo?
a. maiinsulto (at baka masapak mo ang taong nagtanong nun kahit kasing cute ko)
b. maiintindihan mo kung bakit tinanong ‘yun sabay kibit-balikat.
At kung (b) ang sagot mo, bakit mo kaya naintindihan?
Ang natutunan ko sa karanasang iyon, ang tunay na kaibigan ‘yung kasama mo pa din kahit wala na siyang pakinabang sa iyo (dahil siguro talagang cute ka at may potential mag-Starstruck). Kasi naman, sa lahat ng relationship ng tao, ang pinakailalim nun (okay, bottom line) ay may gamitan din (guilty nga ako niyan sa maraming aspeto. GUILTY! Pero inaamin ko naman). Maliban na lang sa mga magulang. Wala naman siguro silang mahihita sa mga anak nila. Pabigat pa nga kadalasan e.
Kung tatanungin mo ang mga magulang, “Kung may pagkakataon kang ibalik ang nakaraan, gusto mo pa din bang magkaanak?” Marahil, ang sasabihin nila, “Hindi noh! Ano ako, hilo? Masaya lang sa umpisa pero kapag lumabas na, dusa.” Maliban na lang siguro kong mala-anghel ang anak mo (gaya ni yours truly). Napapalayo na ako sa usapan.
Uy, friend, pahiram naman notes mo. Uy, alam mo ba, friend, sa ganito-ganito ganyan-ganyan ay may ganito-ganito. Nakakakilabot. Tumataas ang balahibo ko kapag naririnig ko ang salitang “friend”.
Kulang na lang isigaw mo sa mukha niya, “Excuse me! Hindi kita friend and will never be my friend kaya huwag mo akong tawaging friend, FRIEND!” Pero dahil nanaig ang iyong self-control at dahil tunay kang friendly, hinayaan mo na lang ang mga nag-feeling friend mo at hindi mo na lang siya pinatulan. Mahirap bumaba sa level niya.
Buti na lang sa Friendster, kapag hindi mo na friend, pindutin mo lang ang maliit na kahon na may ekis para maglaho na siya sa records mo. Maganda din siguro kung ganun ang memory ng isang tao. Pindutin mo lang ang “delete”, at POOF! wala nang mga "FRIENDS". BWAHAHAHA.

Subscribe to:
Posts (Atom)