Monday, June 25, 2007

early days rewind

Si Mama ang pinakamalaking impluwensiya sa buhay ko nung bata-bata pa ako. Nag-aaral pa lang siya ng MS noon, nung pinanganak ako kaya nakikita ko lang siya kapag umuuwi ng bahay mula sa trabaho at pag-aaral. Si Lola nag-aalaga sa amin kapag wala si Mama sa bahay. Pero ang gustung-gusto kong araw ay Linggo kasi magkasama kami ni Mama na nagsisimba. Karga-karga ako lagi ni Mama. Pinapakyaw namin ‘yung balloons dun sa may simbahan. Wala si Tatay dun sa picture kasi nagtatrabaho nga sa ibang bansa. Noong bata pa lang ako, ang pumasok na sa isip ko ay simbahan = balloons. Kaya gusto ko laging nagsisimba.

Nakakatakot si Mama kapag namalo. Oo, nagiging halimaw siya. Sobra. Tanda ko noon nanuod lang ako ng basketball sa may amin, kinakutsaba ko katulong namin. Pinagplanuhan ‘yun nang mabuti dahil nagdala pa ako ng sariling upuan. E hindi naman ako nagpaalam. Inabot kami ng alas-diyes ng gabi sa pag-uwi. Tantananan! Ayun si Mama sa may pinto, nakahanda ang hanger na pamalo (kulay pula pa kamo).

AAAAAAAAAAAA!!! MAMAAAA!!! TAMA NA POOOOO!!!! HUHUHUUUUUUUUUU!!!!!!!!!!!!! MAGPAPAALAM NA POOOOOOO!!!!!! HINDI NA PO MAUULEEEEET!!!!! MAMAAAAAA!!!!!!!!! HUHUHUHUUUUUUU!!!! AAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

Kaawaan ang anghel na pinapalo. Abot hanggang tulay ngawa ko. Kawawa din ‘yung katulong namin, napagalitan dahil sa akin.

Hindi nagtagal umalis si Mama para mag-aral. Mag-6 years old na siguro ako nun. Kaya si Lola ang nag-alaga sa amin.

Si Mama ‘yung disciplinarian noong bata ako. Nung wala siya, pumalit si Lola. Nung wala na si Lola, pumalit si Tatay. Nung bumalik na si Mama mula pag-aaral, umalis naman ako ng bahay para mag-aral.

Magka-complement sina Tatay at Mama. Kapag hihingi ka ng advice tungkol sa pasikot-sikot (paperwork) sa University, acads, correspondence with the authorities, tanungin mo si Mama. Kasi cool siya at hindi ipapakitang naiinis kahit naiinis na siya sa kausap niya. Si Tatay parang maninigaw lagi ng tao e. Pero kapag hihingi ka naman ng advice tungkol sa pasikot-sikot sa utak ng mga lalake at ng ibang tao, tanungin mo si Tatay. Hehe. Sapul ‘yan.

No comments: