Monday, June 25, 2007

early days

Natuto lang akong magsulat noong 4 years old ako. At ang letter ‘E’ ko pa ay parang suklay na maraming ngipin. Kung hindi pa pupunahin nung pinsan ko, hindi ko malalamang tatlo lang pala dapat ngipin ng letter ‘E’ as in ‘E’.

Hindi man magaling sa pag-aaral, tanungin niyo ako ng pasikot-sikot sa baranggay namin, hanggang ang daan papuntang Laguna Lake, masasagot kita. Expert ako diyan. Ipa-recite mo din sa akin lahat ng mura sa kalye, alam ko din ‘yan. Mas nauna ko pang nasaulo ang mga murang ‘yun kaysa ma-spell ko ang salitang ‘FISH.’ Apat na taon din ako nun, malutong na ang aking dila.

Kinder ako (pangalawang kinder, kasi may kinder 1 at kinder 2) nung malaman ko na ang ‘FISH’ pala ay ‘F’, ‘I’, ‘S’, ‘H’. Nainggit lang ako sa mga kaklase ko noon na nagpayabangan sa splengin kaya lang ako nagtanong kung paano mag-spell. At apat na letrang salita pa kamo. Okay sana kung ‘FLOWER’ ‘yun, mahaba-haba pa. Ano namang maipagmamalaki ko sa ‘FISH’?

Tanda ko noon, mag-Grade 1 na ako, hindi ko pa rin alam ang pinagkaiba ng vowels sa consonants. Nagbayad sina Mama at Tatay ng tutor noon kasi pareho silang wala sa bansa at lola ko lang ang nag-aalaga sa aming magpipinsan. ‘Yung tutor ko ay isang elementary teacher sa public school. Pumunta ako isang araw sa bahay niya (malapit lang ‘yun sa amin. Maghahagis ka nga lang ng bato, andun ka na) at pinasagutan niya ako ng exercise sa vowel at consonant. Tandang-tanda ko pa mga pangyayari:

May dumating siyang kapitbahay. Siyempre, nagchismisan muna sila habang ako ay nagsasagot. Narinig ko na lang na sinabi ng teacher ko sa ka-chismisan niya:

“Alam mo matalino ang batang ‘to.”

(Heto talaga tumakbo sa isip ko): “Ha? Anong sinasabi nitong matalino? Hindi ko nga masagutan ‘tong pinapasagot nito sa akin e. Basta bilog lang ako ng bilog. Hindi ko naman alam ‘yung vowel.”

At pinasa ko na kay teacher ang aking papel. Siyempre, proud na proud si teacher sa pag-check nun, kasi nga akala niya ay may utak talaga ako. Oo, bata pa lang ako, marami na akong naloloko.

Hehe. At ang score ko noon? 6 out of 20. Nakita kong napahiya teacher ko dun sa kapitbahay niya. Tumahimik na lang ‘yung kapitbahay.

Hindi ko pa rin makalimutan ‘yung reaksiyon ng teacher ko. Hehe. Masaya naman ako kasi pagkatapos noon, balik kalsada na uli ako at naglaro ng tumbang preso.

Makalipas ang isang buwan, namatay ang lola ko. Bumalik sa Pilipinas si Tatay kasi walang mag-aalaga sa amin.

Ayun. Tapos na din maliligayang araw ko sa kalsada.

Up next… Impluwensiya ni Mama sa buhay ko.

1 comment:

Unknown said...

maybe your teacher wasn't referring to the present nung sinabi nya na matalino ka. baka hindi talga sya napahiya - hindi lang naintindihan ng kapitbahay nya ung ibig nyang sabihin - na matalino ka, hindi lang muna that time.

look at you now, joan. matalino ka not for the things that you've accomplished but for choosing to be humble and helpful. the fact that you realize that being openly proud and boastful of your accomplishments is not the proof of intelligence but for knowing that you sometimes things are better left unsaid - and you give the person the chance to be amazed at the reality that there is more to you than what you boast of. im always going to be proud of you.
-katkulit